61
Nabong magpapakabait sa NorthPort
Jan 26, 2020 @ 14:49
By

Nabong magpapakabait sa NorthPort

Isa lang ang pangako ni Kelly Nabong.

Ito ay umiwas sa anumang gulo sa pagbabalik niya sa NorthPort Batang Pier kung saan nilaro niya ang kanyang pinakamagandang season sa PBA.

Muling sinungkit ng Batang Pier si Nabong matapos i-trade ng San Miguel Beermen nang mapaaway ito sa ensayo nang ipagtanggol ang import na si Dezmine Wells kontra kay Ronald Tubid at Arwind Santos.

One-year deal ang pinirmahan ni Nabong sa Batang Pier kaya naman nangakong magpapakabait sa PBA 45th season.

Bukod kay Nabong ay dagdag din sa kanialng koponan ang dating Adamson star na si Sean Manganti.

Two-year deal ang binigay sa forward, na eight overall pick sa 2019 PBA Rookie Draft.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?