183

Jun 21, 2018 @ 15:26
By

Nabong, Espinas palit-bakuran

Sunod-sunod ang pagbalasa ng mga koponan sa kanilang mga manlalaro nang magkasundo ang GlobalPort Batang Pier at powerhouse team San Miguel Beermen sa palitan ng tao.

Makukuha ng San Miguel ang bruskong sentro na si Kelly Nabong kapalit ang beteranong si Gabby Espinas kasama ang isang 2020 second round pick.

Halos libutin na ng 36-anyos na si Espinas ang liga na muling babalik sa poder ng GlobalPort na kanyang pinaglaruan noong 2015.

Ito rin ang ika-walong trade kung saan siya kasama.

Ito naman ang ikaapat na koponan ni 6’6” Nabong buhat noong ma-draft ng Meralco Bolts taong 2012.

Sasalo ito sa solidong frontline ng Beermen kasama ang four-time PBA season MVP na si June Mar Fajardo, 2017 top rookie pick Christian Standhardinger at one-time league MVP Arwind Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?