505

By

Nabisto sa medico legal: PMA cadet namatay dahil sa hazing

Kinumpirma ng Baguio Philippine National Police (PNP) na pumanaw ang isang first-year cadet sa Philippine Military Academy dahil sa hazing.

Ayon sa report, blunt-force trauma ang sanhi ng pagkamatay ni Darwin Dormitorio, na napaulat na nagsuka at nanakit ang tiyan bago pumanaw noong Miyerkoles.

Tatlo ang tinitingnan ng PNP na persons of interest sa pagkamatay ni Dormitorio.

Bawat isa sa mga posibleng sangkot ay hindi pinapalabas sa PMA campus at nasa ilalim ng restrictive confinement.

20 katao umano ang nakasaksi sa pangha-hazing na ginawa kay Dormitorio.

Sa report ng The Daily Tribune, una nang suspetsa ng PMA na hazing ang posibleng dahilan ng pagkasawi ni Dormitorio.

“Looks like hazing may be the cause of death,” ayon kay PMA spokesperson Major Reynan Afan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?