856

By

Nabilib sa debate: Lacson iboboto si Bato

Kung dati ay kasama si dating Philippine National Police chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa sa mga hindi iboboto ni Senador Panfilo Lacson, nag-iba ang ihip ng hangin matapos nitong mapanood ang nakaraang debate ng senatorial candidate.

Sa panayam sa ANC, inamin ni Lacson na si Bato ang number 8 sa kanyang Twitter post sa mga kandidatong hindi niya iboboto sa pagka-Senador.

“Somebody please tell him it’s a little farther. Unless he stops entertaining, he might just end up being a stand up comedian after election,” saad sa dating tweet ng mambabatas.

“I’ll be honest. It was Bato,” ayon kay Lacson.

Ngunit sa debate ng CNN, tila napabilib si Lacson sa kung paano kinaya ni Bato ang makipagtalastasan sa anim na Otso Diretso bet.

“Yes, until he recovered in the latest CNN senatorial forum when he gamely and single-handedly took on the 6 Otso Diretso candidates. He will get my vote after all,” ayon kay Lacson.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?