168

Dec 21, 2018 @ 17:26

Nabihag na sundalo, CAFGU nalinlang ng NPA – Palasyo

Naniniwala ang Malacañang na naging kampante ang mga sundalo at CAFGU sa Agusan del Sur sa idineklarang holiday truce ng
New People’s Army (NPA) kaya sila nabihag ng mga rebelde.

Sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na taktika na ito ng kilusang komunista para manlinlang at samantalahin ang pagkakataon para bulagain ang mga sundalo.

“It seems to me now that they are using the truce para to have the soldiers on the ground “off guard”,” ani Panelo.

Hindi aniya naging maingat ang tropa ng pamahalaan  kaya sila ang  nagoyo ng mga NPA at ngayon ay bihag na ang mga ito.

Dapat aniyang magsilbing aral sa mga sundalo at CAFGU ang insidente sa Agusan kaya’t mahalagang palaging handa gaya ng mga boy scout para hindi maisahan ng mga kalaban.

“Definitely  its not prudent, nagkamali sila kaya look what happened to them. That should be a lesson for all of them. They should always be like boy scout, be prepared,” dagdag pa ni Panelo.

Ang pagbihag sa mga sundalo at CAFGU ay ginawa ng NPA sa kabila ng pagkakaroon ng Martial Law sa Mindanao region.

aileen taliping

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?