43

Oct 14, 2021 @ 17:37
By

Nabigo sa kandidato! Robredo pag-iisahin mga tao

Matapos mabigong pagisahin ang oposisyon sa presidential race ay itutuon na umano ni Bise Presidente at presidential aspirant Leni Robredo ang atensyon sa pagkakaroon ng nagkakaisang oposisyon sa sambayanan.

Ginawa ni Robredo ang pahayag sa gitna ng isang virtual membership meeting ngayong Huwebes.

“My personal take on this is now, more than ever, we really need to put our people’s welfare first before politics. We have been pushing for inclusivity, and we have already started doing this after I filed by reaching out and talking to those who are not members of the party, from the start our goal has always been to forge the broadest unity possible,” pahayag ng bise presidente.

Matatandaang bago maghain ng certificate of candidacy ay nilapitan ni Robredo sina Manila Mayor Isko Moreno, Senador Manny Pacquiao at Senador Ping Lacson tungkol sa posibilidad na magkaroon lamang ng iisang pambato ang oposisyon sa 2022.

Ang nangyari, ang tatlong nakausap ni Robredo ay pare-parehong tatakbong pangulo.

“So if unity was not possible among the presidential contenders, I have not given up on unifying our people,” wika ng bise presidente.

Sinabi rin niya na hindi nagtagumpay ang unification talks dahil sa pagkakaiba-iba ng kanilang mga pananaw sa ilang isyu.

“In those conversations, there was an acceptance that a lot of my non-negotiables would not be answered. Of course, I cannot reveal the details of all the discussions, but while unification was a very important objective of all those talks, there was a limit to what we can unify behind,” dagdag pa niya.

Dugtong pa ni Robredo, ang pagtakbo niya bilang isang independent candidate ay indikasyon na bukas siya sa sinumang sasama sa kanyang kampanya sa 2022.

Si Robredo ay isang opisyal ng Liberal Party. (mjd)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?