414

Nov 10, 2019 @ 18:49
By

Nabato sa kilig! Deanna Wong binigyan ng bulaklak si Jema Galanza

Sa pagsungkit ng kampeonato ng Creamline sa Premier Volleyball League, isang nakakakilig na eksena ang tumambad sa star player nilang si Jema Galanza.

Matapos kunin ang PVL Open MVP trophy, may isa pang inabot sa manlalaro mula sa dyowa nitong si Deanna Wong.

Sa video na kuha ng Abante reporter na si Aivan Episcope, makikita pang binato ni Jia Morado si Wong matapos ibigay ang bulaklak.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?