2

Aug 14, 2020 @ 19:16
By

Nabaliw sa ‘Pokemon Go’: Gamer binanatan ang karibal

Hindi lamang sa online game nangyari ang sakitan ng player ng sikat na mobile game na ‘Pokemon Go’.

Sa report ng SoraNews24, naaresto ang isang Kento Sato matapos nitong saktan ang isang 55-anyos na lalaki sa loob ng kanyang kotse.

Ayon sa Hokkaido Prefectural Police, pinuntirya umano ni Sato ang dibdib ng biktima, na nauwi rin sa pinsala sa side-view mirror ng kotse.

Dito nalaman na magkaribal pala ang dalawang lalaki sa larong ‘Pokemon Go’, kung saan pareho silang may gym sa nasabing area.

Hinala tuloy ay posibleng dahil sa namumuong tensyon sa dalawa ang naging motibo kaya nasaktan ni Sato ang kanyang kapwa gamer.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?