152

Jan 25, 2019 @ 19:01
By

Nabahuan! Pamilya pinalayas ng eroplano dahil maanghit

Hindi nakalipad ang isang pamilya matapos itong palabasin sa eroplano dahil sa amoy ng padre de pamilya.

Pauwi sana ng Detroit, Michigan, USA ang mag-anak nang biglang harangan ang mga ito sa paglipad dahil sa reklamo ng ilang mga pasahero.

Ayon sa report, sinabihan umano si Yossi Adler, ama ng isang 19-month na anak, kasama ang asawang si Jennie, na umalis ng eroplano dahil hindi kaaya-aya ang amoy nito.

“All of a sudden, as soon as they took us off, they closed the gate and then they said, ‘Sorry, sir, some people complained you had body odor and we’re not letting you back on,’” saad ni Adler.

“There’s no body odor that we have. There’s nothing wrong with us,” dagdag pa nito.

Bukod sa pagpapalabas, hindi rin nila nadala ang kanilang mga bagahe na kasamang lumipad ng American Airline flight.

Kaagad naman nakapag-rebook ang pamilya ilang araw lang ang nakaraan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?