4

Oct 30, 2020 @ 18:02
By

Nabahala kay ‘Rolly’: RITM lab tigil muna sa COVID testing

Sususpendihin muna ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM) ang operasyon ng kanilang laboratoryo dahil sa pangamba ng bagyong ‘Rolly’.

Ayon sa pahayag ng RITM, shut down muna sa operasyon ang kanilang laboratoryo mula November 1 hanggang 2.

“This is to provide room for implementation of disaster risk mitigation measures throughout the Institute,” saad sa pahayag ng RITM.

Ayon naman kay RITM director Celia Carlos, magpapatuloy ang kanilang pag-test ng sample na natanggap hanggang October 31.

“Those that would not be tested within the day will be stored in our -70 degree freezer for priority queuing when we resume operations,” lahad pa ni Carlos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?