127

Jan 14, 2020 @ 13:05
By

Nabagabag sa Taal Volcano eruption: Jazz star Mitchell pinagdasal ang Pilipinas

Nagpaabot ng dasal ang Utah Jazz guard na si Donovan Mitchell matapos makita ang video ng kidlat at usok mula sa pag-alburoto ng Taal Volcano.

“Damn this is wild! Praying for the Philippines and everyone effected,” ayon sa tweet ni Mitchell.

Si Mitchell ay dati nang nagpunta sa Pilipinas noong Hunyo 2018, ang kanyang unang season sa NBA kung saan nagsagawa siya ng mini basketball clinic sa bansa.

Kakampi rin niya ngayon ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson matapos itong ma-trade galing Cleveland Cavaliers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?