244

Feb 15, 2020 @ 15:52
By

Naawa sa mga magulang: Vendor ng sinilabang lobo, pumayag makipag-areglo

Hindi na magkakaso si Oliver Rosales, ang nag-viral na balloon vendor matapos makuhanan sa CCTV ang paghagis ng ilang tambay na bata sa barangay hall sa Pandacan, Manila ng sigarilyo sa kanyang paninda dahilan para ito’y masunog.

Ayon kay Nicolas, tatay ng balloon vendor, naawa siya sa mga magulang ng pitong bata kaya pumayag na lang makipag-areglo.

“Naawa rin ako sa magulang, eh. Kasi, biro mo, ‘yung pangkakain na lang nila, ibingay pa sa amin, alang-ala na lang sa mga anak nila. Pero ‘yung mga bata naman hindi nila iniisip ‘yung sakripisyong idinulot nila sa mga magulang nila,” saad nito sa report sa 24 Oras.

Kaya naman tig-P5000 ang halagang napagkasunduan kada bata na sangkot sa pagsunog sa lobo, na kinadisgrasya ni Rosales. P35,000 ang kabuuang pera na kanyang matatanggap.

Lima sa suspek ay pawang minor, habang dalawa ay nasa wastong gulang na.

“Sila kaya ‘yung silaban, sunugin ng buhay, Kung gaano kasakit ‘yung naramdaman ko noon. Buhay ko ‘yung kapalit, eh,” ayon kay Oliver Rosales.

Kasi wala naman po ako’ng ginawa sa kanila tapos ginanun po nila ako,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?