30

Nov 13, 2021 @ 18:02
By

Naarestong kawatan, nahulihan pa shabu

Nadakip ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Candelaria, Quezon ngayong Sabado kaugnay ng reklamong pagnanakaw ngunit nang mahuli na ito ay nakuhaan pa ng shabu.

Kinilala ang suspek na si Numeriano Ambal, 45-anyos.

Ayon sa ulat, nilooban ni Ambal ang isang bahay sa Barangay Pahinga Norte noong Biyernes, dakong alas-11:00 p.m. ng gabi.

Dalawang tangke umano ng LPG ang kinuha ni Ambal.

Nang matagpuan na ang kinaroroonan ng suspek halos dalawang oras ang makalipas, nakumpiska pa sa kanya ang isang sachet ng shabu.

Ngunit isang tangke na lang ng LPG ang nakita ng mga pulis.

Nahaharap ngayon si Ambal sa mga kasong robbery at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?