31
Pagtatayo ng bagong gusali ng Senado, sisimulan na
Dec 4, 2019 @ 15:10
By

Naantalang 33 proyekto ng NGCP, iimbestigahan ng Senado

Sisiyasatin ng Senado ang 33 naantalang proyekto sa ilalim ng transmission development plan ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), ayon kay Senador Sherwin Gatchalian.

“That’s what we want to go deep into. We want to hear valid reasons, not only reasons out of thin air,” pahayag ni Gatchalian, chairman Senate committee on energy sa panayam sa ANC.

“But what we want to analyze is how come the transmission development plan is not being carried out to its mandate, and we want to also look at the penalties that should be put forth if ever the transmission development plan is in fact delayed,” dagdag nito.

Sabi ni Gatchalian, bagama’t maraming power plant sa bansa, ang pagkaantala ng paglatad ng mga transmission line ay nagreresulta sa pagkakaroon ng problema sa kakapusan ng suplay ng kuryente sa bansa.

“Even though we have a lot of power plants that are going into the system, if we don’t have enough capacity in the transmission lines or the transmission lines will not be put up then we will have problems with electricity shortage,” sabi ng senador.

Bukod diyan, iimbestigahan din ng Senado ang 40 porsyentong kontrolado ng China sa power transmission line sa bansa. Gagawin ang imbestigasyon sa ikalawa o ikatlong linggo ng Disyembre.

Nauna nang sinabi ni Gatchalian na dapat payagan ng NGCP ang gobyerno na magsagawa ng inspeksiyon sa pasilidad sa gitna ng pangamba sa national security ng bansa bunsod ng alegasyon na may access at kontrol ang China sa power grid system ng bansa.

Ang NGCP ay isang pribadong kumpanya na in charge sa operasyon ng power grid ng bansa. Ito ay isang consortium ng tatlong korporasyon na kinabibilangan ng Monte Oro Grid Resources Corporation, Calaca High Power Corporation, at State Grid Corporation ng China.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?