By

Naagaw na world belt, babawiin ni Melindo kay Taguchi

Sharing is caring!

Wala pang isang lingo mula nang mawala ang kanyang IBF light flyweight crown dahil sa pagkabigo kay Japanese counterpart Ryoichi Taguchi nitong Disyembre 31, nagbabalak na ang kampo ni Milan Melindo na bawiin ang kanyang titulo.

Isa ang rematch kontra Taguchi sa mga ikinukunsidera ng kampo ni Melindo, ayon sa insider mula sa kinabibilangan niyang ALA Stable ni Michael Aldeguer.

Bukod rito, marami ring nakalinyang posibleng laban para kay Melindo, may kartadang 37-3, 13 KOs.

“Pahinga muna. Tapos, balik na sa gym,” ayon sa maikling mensahe ni Edito Villamor, chief trainer ng Pinoy boxer.

Aminado si Villamor na kinapos si Melindo sa huling bahagi ng laban nito sa mas matangkad na si Taguchi, na napag-isa ang WBA at IBF 108-pound belts sa naturang panalo, kaya dapat nilang palakasin ang depensa ng 29-anyos na boksingero sa susunod laban.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?