18

Jan 19, 2021 @ 20:10
By

Naabuso na! Kasunduan ng DND sa PUP lusawin din – Duterte Youth

Matapos wakasan ng Department of National Defense (DND) ang security agreement nito sa University of the Philippines (UP), nais ng Duterte Youth party-list na kanselahin din ang katulad na kasunduan sa Polytechnic University of the Philippines (PUP).

Ani Duterte Youth party-list Rep. Ducielle Cardema, ngayong kanselado na ang UP-DND pact, dapat ding putulin na ang kahalintulad na deal mayroon ang gobyerno sa PUP dahil lumilikha ito ng “hindi pagkakapantay-pantay” sa pagitan ng iba’t ibang state universities and colleges (SUC) sa bansa.

Sa DND-UP agreement, bawal pumasok ang mga pulis at militar sa campuses ng paaralan nang walang abiso.

“As vice chairperson of the House Committee on National Defense & Security, I call on the DND to also cancel its similar PUP-DND accord. Itong UP-DND Accord and PUP-DND Accord ay klarong-klaro na special treatment na inabuso na, sa tagal ng panahon,” lahad ni Cardema.

“Kung sa 400 plus campuses ng iba’t ibang SUCs ng bansa wala namang ganyang accord pero peaceful naman, tama lamang tanggalin na ang special treatment na ‘yan na naaabuso rin naman,” dagdag niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?