23

Jun 9, 2021 @ 8:37
By

Naaawa sa anak! Huwag kang tatakbong Pangulo – Duterte kay Sara

Binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang anak na si Davao City Mayor Sara Duterte na huwag sumunod sa kanyang yapak at maging susunod na top executive ng bansa.

Ayon kay Duterte, nakausap na niya ang kanyang anak kung saan sinabihan ito na huwag tumakbong Pangulo dahil kamalian umano ito.

“Si Inday kinausap ko talaga kagabi. Do not run. Do not ever, ever commit the mistake of running for the presidency,” kwento ni Digong sa panayam kay Pastor Apollo Quiboloy.

Paliwanag ni Duterte, wala umanong makukuha sa pagiging Presidente, at ang tanging paraan lang para magamit ang kapangyarihan ng pagiging Pangulo ay maging kurakot.

Aniya pa, dadami ang mga kritisismo na ibabato kay Sara sakaling manalo itong Pangulo.

“You do not deserve it. Anak kita, maawa ako sayo at alam ko naman hindi ka magpunta ng kalokohan. Sabihin ko sayo ngayon, huwag kang tumakbo. Sinabi ko talaga sa kanya iyon,” lahad ni Duterte.

Maugong ang pangalan ni Sara sa mga posibleng tumakbo sa 2022 para sa pagka-Pangulo, matatandaan na sinabi ni Albay Rep. Joey Salceda na kasado na umano ang alkalde sa eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?