29

Feb 23, 2021 @ 16:54
By

Na-trade na! Vic Manuel pasalamat sa Alaska

Sa wakas ay natupad na ang request ni Vic Manuel na makalipat ng koponan at nakakalas na sa Alaska Aces.

Nitong Martes ay inaprubahan ng PBA ang trade sa pagitan ng Alaska at Phoenix Fuel Masters, kung saan na-trade na si Manuel papunta sa dating koponan naman ng kanyang kaibigan na si Calvin Abueva.

Kasama sa binigay ng Alaska ang kanilang number 7th pick sa first at second roun ng paparating na PBA Draft.

Nakuha naman nila sa Phoenix ang sixth overall pick para sa draft night, at isa pang second round pick na unang nakuha ng Fuel Masters sa NLEX.

Kasama rin sa nasungkit ng Aces ay ang 2021 first round pick ng Phoenix.

Sa Instagram, nagpasalamat si Manuel sa Alaska para sa pitong taon niyang paninilbihan sa koponan.

“My HOME! My FAMILY for almost 7 years! Thankyou @alaska_aces!” lahad ni Manuel.


Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?