306

Jan 3, 2018 @ 16:39
By

Na-stranded na mga barko dahil kay Agaton, bumiyahe na

Ngayong nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Bagyong Agaton, pinayagan na ng Philippine Coast Guard (PCG) na makabyahe ang mga sasakyang pandagat na nastranded sa Bicol, Visayas at Mindanao.

Kinumpirma ito ni PCG Spokesman Captain Armand Balilo matapos ding bawiin ng PAGASA ang storm signal na itinaas nito sa mga lugar na dinaanan ng bagyo.

Samantala, tuluy-tuloy naman ang pagdagsa ng mga pasahero sa ibat ibang mga pier sa buong bansa.

Sa pinakahuling tala, umaabot sa kabuuang 55,051 ang bilang ng mga outbound passenger.

Ang bulto ng mga pasahero ay naitala sa Western Visayas na may 15,814; Northern Mindanao, 9,987 at Central Visayas, 8,151.

Dinagsa rin ang mga pier sa Eastern Visayas na may 7,090; Southern Tagalog, 6,519; Bicol, 4,215; at National Capital Region 1,847.

Daan-daan naman ang mga pasaherong dumagsa sa mga pantalan sa Southern Visayas na may 593; North Western Luzon, 482, South Eastern Mindanao, 233 at North Eastern Luzon, 120.

Ang buong pwersa ng PCG ay nasa ilalim ng heightened alert simula pa noong December 18, 2017 hangang January 8, 2018 bilang bahagi ng pagpapairal ng “Oplan Biyaheng Ayos: Krismas 2017.” (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?