51

Dec 18, 2017 @ 17:14
By

Na-standed ni Urduja sa mga pantalan, 200 na lang – Coast Guard

Mahigit 200 na lamang na mga pasahero ang stranded sa mga pantalan dahil sa epekto ng Bagyong Urduja.

Mula sa 2,900 na naitala kaninang umaga, bumaba na nang husto ang bilang ng mga stranded matapos na payagang makabyahe ang mga barko patungo sa kanilang destinasyon bunsod na rin ng unti-unting pagbuti ng panahon sa mga lugar na hinagupit ng bagyo.

Sa pinakahuling tala ng Philippine Coast Guard, pawang ang mga sasakyang pandagat na mula sa Palawan at Westwrn Visayas ang hindi pinayagang maglayag.

Sa kabuuan, walong barko at sampung motor banca ang hindi nakabyahe.

Isang daan at labing walo sa mga pasahero ay stranded sa Port of Roxas at Port of Cuyo sa Palawan, habang 136 naman ay stranded sa mga pantalan sa Western Visayas. (Maricel Diaz)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?