934

By

Na-set up lang! Mga netizen nagkaisa para kay Loonie

Nag-trending sa Twitter Philippines ang hashtag na #FREELOONIE nitong Huwebes ng umaga.

Kaugnay ito ng pagkakaaresto kay Marlon Peroramas, o mas kilalang si “Loonie”, isang FlipTop rapper, sa isinagawang drug raid sa parking lot ng hotel sa Barangay Poblacion, Makati City noong Miyerkoles ng gabi.

Kinampihan ng mga netizen si Loonie at naniniwala sila na “set-up” ang nangyari sa rapper at “planted” ang mga nasabat sa buy-bust.

Sabi ng isang netizen, kumikita ng malaki si Loonie pero ang sinasabing nakuhang cellphone sa kanya ng mga awtoridad ay isang low-class cellphone.

Ayon naman sa isa, kung makikita ang marijuana na nakumpiska umano kay Loonie, mukhang tatlong linggo na ang itsura nito at maging siya ay hindi ito hihithitin.

Giit pa nila, palayain si Loonie dahil wala itong kasalanan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?