338

Oct 29, 2017 @ 11:33

‘Na-set up ako!’ — Cogie Domingo

By JOJO GABINETE

Word of the week ang ‘SET UP’ dahil ito ang depensa na ginamit nina Atak Araña at Cogie Domingo para ipagtanggol ang mga sarili  laban sa mga kontrobersiya na kinasasangkutan nila.

‘Set up’ ang sinabi ni Atak sa kanyang mga kaibigan tungkol sa bintang na pangdadakma, pagyakap at paghalik niya sa bell attendant na si Mark Christian Macavinta.

‘Set up’ ang sagot ni Cogie nang mahuli siya sa drug buy-bust operation ng mga ahente ng PDEA Region IVA sa Parañaque City noong Biyernes nang madaling-araw.

Nagsalita si Cogie sa presscon ng PDEA sa Camp Vicente Lim, Canlubang, Laguna noong Biyernes at dito niya sinabi na nagulat siya sa mga pangyayari dahil nagpunta lamang sila ng kanyang asawa na si Ria Sacasas sa nasabing lugar para kumain ng dinner.

“Actually, hindi po ako nagbebenta, hindi gumagamit, hindi po ako bumibili. Hindi ko po alam kung ano ang ebidensya laban po sa akin. Sa totoo lang niyan eh kumakain lang po kami ng dinner at nagulat na lang po ako na nagkaroon ng mga pulis doon at nagkaroon ng hulihan,” ang paliwanag ni Cogie na itinanggi rin na siya ang may-ari ng mga drug paraphernalia na nasamsam sa kanyang sasakyan na naamoy ng  drug sniffing dogs ng PDEA.

“Hindi po akin ‘yon. I believe na na-set up lang po kaya ganoon. Hindi ko po alam. Wala po akong alam tungkol sa drug sniffing dogs. Wala po akong nakitang ganoon,” ang sabi ni Cogie na umamin na nasubukan niya noon na gumamit ng illegal drugs pero hindi na ngayon.

Handa si Cogie na sumailalim sa drug test para patunayan na inosente siya sa kasalanan na ibinibintang sa kanya.

Kasama ni Cogie na humarap sa mga miyembro ng media, ang kanyang ama na si Atty. Rod Domingo, Jr. na pinatotohanan ang pahayag ng anak niya.

“Nalulungkot ako na kailangan humarap ako sa inyo sa pagkakataong ito na ako’y humaharap bilang isang hindi abogado kundi sumusuporta ako sa aking anak.

“Alam ko na hindi nagdodroga, hindi nagbebenta, he’s not in anyway related to drugs. In fact, voluntarily, some one or two years ago, nag-voluntary drug test at negative naman siya. Buhat noon wala na, nagulat nga ako ngayon biglang tinawagan ako,” ang pahayag ng supportive father ni Cogie na kilala bilang human rights lawyer at tagapagtanggol ng Martial Law victims.

Pinabulaanan din ni Cogie na kilala niya nang personal si Francisco Lim, ang tunay na target ng PDEA na nabigla nang makita nila na ang aktor na katransaksyon ng suspect na kanilang sinubaybayan at dinakip noong Biyernes.

Violation of Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002) ang kaso na isinampa ng PDEA laban kina Cogie, Lim at Almira Bautista na mga nakakulong sa kasalukuyan sa Camp Vicente Lim.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?