128

Oct 7, 2021 @ 11:10
By

Na-hulicam! AJ, Aljur hawak-kamay sa mall

Mistulang Paolo Contis at Yen Santos version 2.0 ang eksenang ito.

Nahulicam lang naman kasi sina AJ Raval at Aljur Abrenica na magka-holding hands habang naglalakad sa isang mall na tila katatapos lang mag-shopping.

Kumpirmadong sila ng ang holding hands while walking “couple” sa naturang litrato dahil may mga nagpa-picture pang mga fan sa kanila.

Game naman na kumagat ang dalawa.

https://www.facebook.com/371545712957359/posts/4231281470317078/?d=n

Nito lamang Miyerkoles nang linawin ng aktres na wala pa silang relasyon ni Aljur.

Sey ni AJ, nasa “getting-to-know” stage palang sila ng aktor na may dalawang anak kay Kylie Padilla.

“Yes, totoo. Hindi ako magpapakaipokrita. Di na ako magsisinungaling, di na ako magde-deny. Well, totoo naman na nag-uusap kami. We understand each other. We care for each other,” matapang na hirit ng aktres.

“Pero wala pa kami sa point na may relasyon kami. Parang getting to know,” dugtong niya. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?