6

Jul 15, 2020 @ 16:42
By

Na-flatten ang COVID curve? Duque nahihibang! – mga netizen

Top 1 trending ngayon sa Twitter Philippines si Health Secretary Francisco Duque III.

Kinuwestiyon kasi ng maraming Pinoy ang pahayag ng kalihim na matagumpay na umanong na-flatten ng Pilipinas ang curve ng coronavirus infections.

“We have successfully flattened the curve since April. The metrics for arriving at that conclusion of flattening the curve is actually one, the case doubling time of the COVID-19 infection has actually become longer,” tugon ng kalihim nang tanungin tungkol sa patuloy na pagtaas ng COVID-19 case sa bansa.

Marami ang pumalag sa sinabi ni Duque, at mayroon pang pinabababa na ang kalihim sa puwesto–isang panawagan na ilang beses nang naging maugong mula nang kaharapin ng bansa ang pandemyang COVID-19.

Ayon sa ilang eksperto, masasabi na na-flat na ang COVID-19 curve kapag wala nang halos naitatalang bagong kaso ng sakit sa loob ng dalawang linggo.

Samantala, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire noong Hulyo 14 na may 634 bagong COVID-19 case sa Pilipinas, kaya 57,545 na ang kabuuang coronavirus infections sa atin.

Nadagdagan naman ng 6 ang mga namatay habang 88 pa ang bagong coronavirus survivor sa bansa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?