2,665

Jun 6, 2020 @ 20:41
By

Na-expose sa PUM: Aktres nagwala sa hotel

Viral sa social media ang video ng veteran actress na si Pinky Amador na nanggagalaiti at pinagmumura ang mga staff ng isang hotel.

Sa video maririnig si Amador na sinisigawan ang hotel staff.

Nirereklamo niya ang pagkaka-expose niya sa Persons Under Monitoring (PUM) sa COVID-19.

Kinagalit din niya ang isang circular na hindi na-print ng hotel staff na tatlong linggo na niyang hinihingi, at hindi naikakabit sa elevator ng hotel tungkol sa umano’y mga OFW na naka-check in sa hotel.

Sa sobrang galit ay tinulak niya ang computer monitor ng hotel.

Sinabihan din niyang “boba” ang staff dahil hindi maintindihan ang hinihingi niya.

Sabi ng netizen na si Melchor Fajarda, nangyari umano ito bandang 3:00PM sa admin office ng isang hotel sa Makati noong Mayo 22, 2020.

Inawat ng isa pang staff ang aktres pero hindi ito nagpapigil at tuloy sa panggagalaiti.

“P***** i** mo kapag ako nagkasakit babayaran mo ba pang-ospital ko?” maririnig na sinabi ni Amador sa simula ng video.

“Alam n’yo bang na-expose ako sa dalawang PUM. Na-inform lang ako dahil mayroon akong p*** i*** CCTV. Ikaw dedemandahin ko diyan,” galit pang sabi ni Amador sa staff.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?