4,703

By

Na-badtrip sa P300K! Bautista kumag, butaw – Ben Tulfo

Hindi nakapagtimpi si Ben Tulfo, ang kapatid ni Erwin Tulfo, sa demand ni Social Welfare Secretary Rolando Bautista para mapatawad ang kanyang utol.

Sa social media ay pinaulanan ni Ben ang dating Army chief ng mga patama dahil sa hinihingi nitong kapalit na P300K sa 19 charity para matanggap ang sorry ni Erwin.

“Putres na “brotherhood”! ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet,” saad ni Ben.

“BUTAW” na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan. Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpapatawa ka ba?!” aniya pa.

Matatandaan na nagkaroon ng hidwaan sina Erwin at Bautista matapos pamumurahin ng broadcaster ang kalihim dahil sa hindi nito pagpapaunlak ng panayam sa kanyang radio show.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?