961
Na-1-2-3! Honesty system ng bus company itinigil
Mar 20, 2019 @ 22:04
By

Na-1-2-3! Honesty system ng bus company itinigil

Dismayado ang isang kumpanya ng bus nang hindi umubra ang honesty system nila para sa mga pasahero.

Ayon sa Green Frog Hybrid Bus Company, 30 porsiyento umano ng mga pasahero nila ay hindi nagbayad ng pamasahe.

Ang Green Frog Hybrid Bus Company ang nag-iisang bus company sa Pilipinas na gumagamit ng environmental-friendly hybrid buses.

Pero simula umano ngayong Marso 20, 2019 ay hindi na nila iiimplementa ito.

Una itong ipinatupad ng kumpanya noong Marso 11, 2019 kung saan inaasahang magbabayad ang mga pasahero sa driver kahit walang naniningil na konduktor pero hindi ito naging epektibo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?