23
kim

N. Korea, nagbantang kakanselahin ang Trump summit

Sharing is caring!

Iniumang ngayon ng North Korea na hindi nito ituloy ang nakatakdang pag-uusap nina Kim Jong Un at US President Donald Trump sa Hunyo kung ipipilit sa kanila ng Amerika na isuko ang nuclear weapons.

Ayon sa pahayag ng state-run Korea Central News Agency (KCNA), hindi tatanggapin ng North Korea ang tulong pang-ekonomiya ng US kapalit ng pag-abandona nila sa lahat ng kanilang nuclear weapons.

Sinabi umano ni Kim Kye Gwan, North Korea’s First Vice Minister of the Ministry of Foreign Affairs, kung sinsero ang administrasyong Trump sa pakikipag-ugnayan sa Pyongyang, susuklian umano ito pero kung ipipilit nito ang pag-abandona nila sa nuclear weapons ay hindi na sila interesado sa pakikipag-usap dito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?