3,276
abante-tnt-vismin-myrtle-sarrosa
Aug 19, 2018 @ 15:15
By

Myrtle Sarrosa iniintriga sa paglaki ng boobs

May mga naku-curious dahil sa tila paglaki ng boobs ng Kapamilya actress na si Myrtle Sarrosa. Base kasi sa teaser ng pelikula niyang Wander Bra, tila lumaki ang dibdib ng dalaga.

Itinanggi naman ni Myrtle ang haka-hakang nagpadagdag siya ng boobs. Wala pa raw nireretoke sa kahit anong bahagi ng kanyang katawan.

Agaw-eksena kasi lagi ang kanyang dibdib sa kanyang bagong movie.

“I think its being comfortable with your own body, and improving what you already have. It’s really working out, eating right, taking care of yourself,” saad niya.

Pahayag pa niya sa isang panayam, “Wala akong binago… hindi ko hinahangad na ganoon kalaki iyong boobs ko.

“Wala po, ganoon pa rin po siya. I would not, I’m still the same person na nakita ninyo before and for this film, medyo na-weirduhan nga ako.

“Super-laki ng boobs ko for this character, but it’s really for the character, but wala akong binago.”

Nagkuwento pa ang celebrity cosplay artist at Pinoy Big Brother Teen Edition 4 grand winner ng tungkol sa kanyang pelikula.

“Ang character ni Wander Bra, hindi niya alam na ganoon siya kaganda so parang first time lang niya maramdaman na maganda siya. Iyong character niya ay parang naive siya, pero very sexy.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?