783

Nov 9, 2017 @ 15:20
By

Myrtle Sarrosa game na pagpantasyahan ng mga kalalakihan

HINDI raw ine-expect ni Myrtle Sarrosa na siya ang mapipili ng Ginebra na maging 2018 Calendar Girl. Nakita lang namin sa social media na ni-launched na nga siya at nakapalitan ng messages.

Sey ni Myrtle, “I’m so grateful that for this coming year 2018, ako ang napili ng Ginebra and GSM Blue to be their calendar girl. Actually, na-pressure ako dahil this is the 30th year of their calendar and all their calendar girls tumatak talaga. Kaya nu’ng una natakot ako — okay lang ba itabi pangalan ko sa kanila? They’re so successful. Hahaha!”

Nakita rin namin ang concept ngayon ng GSM calendar na not the usual photo shoot nila. Kaya hiniritan namin si Myrtle kung nakialam siya o siya ang nag-conceptualize.

Sey naman niya, “Kakaiba ‘yung concept for the calendar this year. Instead na pumunta sa beach at mag-bikini, we’re putting costumes on. Kasi araw-araw ang dami na nating nakikitang beach photos online, kaya iniisip namin, what can make the new calendar special?

“‘Yung idea for the calendar was a team effort. Pero Sobrang suwerte ko that for the first time sa isang calendar, Ginebra allowed me na maging hands on sa calendar na ito. Pinakinggan nila ‘yung ideas ko for the characters at kasama ako in creating the layout for the calendar at sa paggawa ng costumes. Ang tagal namin siyang pinaghandaan at pinag-isipan.”

Nag-cover na rin before si Myrtle ng men’s magazine. At akala nga namin, medyo break na siyang magpaseksi. Iba naman ngayon na talagang nakasabit siya sa dingding ng mga bahay o kuwarto.
Ready na siyang maging pantasya ng mga kalalakihan?

“Ha! Ha! Ha! Before naman ako nagsabi ng oo dito, alam ko naman na ‘yun ‘yung kinakailangan for the calendar,” sey na lang niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?