459
myrtle
May 24, 2018 @ 21:03
By

Myrtle nailang sa bukol ni Zeus

Natupad ang wish ni Myrtle Sarroza na gumanap sa isang superhero role. Si Myrtle kasi ang gaganap bilang si Wander Bra sa pelikulang Wander Bra na pinagbibidahan nila ni Cacai Bautista.

Kapag nagta-transform na si Cacai tuwing isusuot ang bra, nagiging si Myrtle na siya. Bilang cosplayer naman, binigyan daw siya ng director ng movie na si Direk Joven Tan ng kalayaan na siyang gumawa ng looks niya bilang si Wander Bra. Siya rin ang gumawa ng makeup niya at siyempre, naka-bra lang siya kaya tulad daw sa Ginebra ca­lendar niya, seksi-seksihan din siya rito.

Natatawa naman si Myrtle nang sabihin namin na parang inunahan o na-preempt yata nila si Darna.

“Iba naman po ang Darna. Action/Fantasy. Sa amin naman, comedy/fantasy so feel good siya. May action din kami pero mas comedy kami.”

Kulay pink daw ang costume niya at malayo naman sa Darna costume. Ang Hashtag na si Zeus Collins ang leading man nila ni Cacai. Pero inamin ni Myrtle na nagkakailangan daw sila ni Zeus sa ilang mga scene nila, lalo na yung pareho silang nakahubad, na siyempre pa ay nakabukol ang kay Zeus.

Aniya, “May mga scenes kami na naka-swimsuit. Parang nagkakailangan pa kami ni Zeus. ‘Yung parang naka-board short yata siya. Ako naman, hindi pa kasi ako ever naka-swimsuit. Parang hindi namin matingnan ‘yung isa’t isa

“Pero sila ni Ate Cacai, parang wala silang ilangan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?