837

Jan 30, 2018 @ 22:03
By

Myrtle magpapaelya sa boys, tibash ngayong V-day

Naku, heto pa ang isa na ayaw rin talagang magpaawat sa paghuhubad!

Sino pa nga ba, kundi ang dating PBB housemate na si Myrtle Sarrosa, noh!

Hit sa mga kalahi ni Adan at Tong Dynasty ang pa-boobs ni Myrtle bilang cover girl ng FHM ngayong ‘Buwan Ng Mga Puso’.

Siya nga ang napili ng men’s magazine na ito na magpagana sa malilikot na imahinasyon ng mga kalalakihan at katomboyan dahil sa kanyang nagmumurang cleavage.

Hindi lang ‘yun, ha? May bonus pa siyang pa-pusod na mas lalong hindi mapakali ang mga nagnanasa sa kanya, noh!

Second time na ito ni Mytle na noong FHM November 2014 ay nagpasampol na rin ng kanyang alindog, pero halatang may pagka-nene pa siya at naka-costume play attire, although medyo sexy naman.

But this time, hinog na hinog na si nene, kaya iba ang datingan nito sa mga barako at pars. Kumbaga, mas tumingkad ang kanyang sex appeal, mas naging tone ang kanyang katawan, at mas naging mapang-elya ang kanyang facial expressions.

Naku, san ka pa niya, huh? (Glenn Regondola)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?