33

By

My Chemical Romance magbabalik para sa reunion concert

Makalipas ng mahigit anim na taong pananahimik, magbabalik ang American rock band My Chemical Romance para sa reunion concert.

Inanunsiyo ng grupo via Twitter na magsasama-sama muli sila para sa isang show sa Dec. 20 sa Shrine Expo Hall sa Los Angeles, California.

Matagal-tagal ding nagdasal ang mga fan para magsamang muli sina Gerard Way, bassist Mikey Way at guitarists Frank Iero and Ray Toro mula nang mag-quit ang grupo noong March 2013.

Ilan sa mga kantang pinasikat ng My Chemical Romance ang “Welcome to the Black Parade”, “Teenagers” at “Helena”.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?