56
MWSS nangakong tutuldukan ang krisis sa tubig
By

MWSS nangakong tutuldukan ang krisis sa tubig

Siniguro ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) kay Pangulong Rodrigo Duterte at sa publiko na tatapusin ang problema sa kakulangan ng suplay ng tubig sa ilang lugar sa Metro Manila.

Sinabi ni Presidential Communications Operations Office (PCOO) Secretary Martin Andanar na ipinaabot sa kanya ni MWSS Administrator Reynaldo Velasco na tatlong water sources ang pagaganahin nila ngayong Biyernes para magsilbing augmentation measure sa kakapusan ng suplay ng tubig.

“According to MWSS Administrator Reynaldo Velasco, they are already addressing the matter. They have identified three water sources to augment the water supply: 50 million liters per day (mld) from the Maynilad Cross-Boarder Plant, 50 mld from the Manila Water Cardona Treatment Plant, and 100 mld from the old wells of Manila Water to be reactivated today,” ani Andanar.

Sinabi ng kalihim na responsibilidad ng water utility companies na tiyaking sapat ang suplay at distribusyon ng tubig sa publiko.

Hindi aniya kukunsintihin ni Pangulong Rodrigo Duterte ang isang sitwasyon na malalagay sa hindi magandang sitwasyon ang mga Pilipino at hindi naibibigay sa kanila ang dapat nilang makuhang serbisyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?