82
Maynilad at Manila Water, may bawas-singil sa Abril
Dec 10, 2019 @ 17:21
By

MWSS, ipagpapaliban ang pagtaas ng singil sa tubig sa Enero

Inutusan na ng Board of Trustees ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) ang regulatory office na kausapin ang Manila Water at ang Maynilad para ipagpaliban ang inaprubahang pagtataas ng kanilang taripa na magsisimula sa Enero 1, 2020.

“The MWSS Board of Trustees has directed MWSS RO to initiate discussions with Manila Water Company Inc. and Maynilad Water Services Inc. to consider deferring the tariff adjustment for 1 January 2020,” sabi ng regulatory office.

Nais ni Pangulong Rodrigo Duterte na ibasura ang extension ng kontrata ng Manila Water at Maynilad hanggang 2037 at nagbanta na itong kakasuhan ng plunder ang mga may-ari nito.

Nitong Martes, sinabi ng Manila Water na nakatanggap ito ng liham mula kay MWSS Administrator Emmanuel Salamat.

Pinanigan ng arbitral tribunal ang Manila Water ngayong buwan sa kasong sinampa nito laban sa pamahalaan dahil sa hindi pagsunod nito sa kanilang kontrata at inutusan ng korte sa Singapore ang pamahalaan ng Pilipinas na bayaran ang Manila Water ng P7.4 bilyon.

Nauna nang nanalo sa kaparehong reklamo ang Maynilad.

Ayon sa MWSS Regulatory Office, sumulat na ang Manila Water sa MWSS Board of Trustees para ipaalam na handa itong makipagtulungan sa pamahalaan para maisaayos ang implementasyon ng adjustment.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?