59

Nov 19, 2018 @ 17:43
By

MVP si Akhuetie!

Hinirang na Most Valuable Player ng UAAP Season 81 si University of the Philippines (UP) Fighting Maroons big man Bright Akhuetie.

Ang Nigerian na si Akhuetie ang unang Fighting Maroon na nakasungkit ng MVP award mula nang makuha ito ni Eric Altramirano noong 1986, taon nang huling magkampeon ang UP sa torneo.

Naungusan ni Akhuetie ang ilang manlalaro nang pumoste ito ng 82.5 total statistical points matapos nitong mag-average ng 18.85 points per game, 14.64 rebounds, 2.78 assists, 1.07 steals at 0.92 blocks.

Sinundan naman siya ng Ivorian rookie ng Ateneo ng si Angelo Kouame na may 76.21 total statistical points na may 14.42, 13.64 rebounds at 3.21 blocks, bagama’t hindi napabilang sa Mythical Team, hindi naman uuwing luhaan si Kouame dahil siya ang Rookie of the Year.

Makakasama ni Akhuetie sa season 81 Mythical Team sina Alvin Pasaol ng University of the East na may 74.57 SPs, Juaan Gomez de Liano ng UP na may 63.86 SPs, Justine Baltazar ng La Salle na may 61.29 SPs at si Jerrick Ahanmisi na may 58.38 SPs.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?