74
Yeng-Guiao
By

MVP pabor kay Guiao bilang bagong Gilas coach

Mukhang mapapatagal pa ang paninilbihan ni coach cpara sa national team imbes na pansamantala lang.

Sa pahayag ni Manny V. Pangilinan sa mga reporter, sinabi nito na ayos sa kanya kahit si NLEX coach Yeng Guiao na ang humalili sa kasalukuyang suspendido na si Chot Reyes bilang permanenteng coach ng Gilas.

Nabilib umano ang Samahang Basketbol ng Pilipinas chairman sa ipinamalas ng koponan ni coach Yeng Guiao sa katapos lang na Asian Games 2018 kung saan tumapos ang ‘Pinas sa ikalimang puwesto.

“It was a Jekyll and Hyde transformation eh. How we managed to bring the team together. From different personalities, different teams and how Jordan Clarkson also blended with the team.” saad ni MVP.

Sa ngayon, maghahanda na ang tropa ni Guiao sa nalalapit na laban kontra Iran sa Setyembre 13 at Qatar sa Setyembre 17 sa next window ng 2019 FIBA World Asian Qualifiers.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?