168

Jan 26, 2020 @ 21:32
By

MVP nag-flex, binuhusan ng reklamo

Todo ang pagbida ni Manny V. Pangilinan sa kanyang telecommunications company na PLDT dahil sa kanilang panalo sa Pacific Telecommunications Council (PTC) Awards 2020.

Ito’y matapos na manalo ito ng Outstanding Applications Company para sa PLDT Global, habang nanalo din ang kanilang flagship app na Free Bee ng Outstanding Customer-Facing Innovation.


Ngunit hindi ito pinansin ng mga netizen, para sa kanila, ang mahalaga ay maiayos ang linya ng kanilang telepono o internet.

Bumuhos ang reklamo sa mismong Twitter account ni Pangilinan, sinabi na kaysa magbida ito ng mga award ay dapat ayusin nila ang kanilang serbisyo.

“Hayop! ginagawa nyong tanga mga customer nyo. Tangina @PLDT_Cares kakarestore lang ng service after 3 weeks nawalan wala pang isang buwan wala nanaman. Sampal sa mukha ng mga customer nyo yang award na yan,” ayon kay @AldinThrice.

“Still your customer service sucks. my 3 weeks inquiry wala paring sagot and facilities namin di upgraded,” sey naman ni @BaddictsPH.

“My FIBR has been screwed up for over a month. “Network problem” Nobody can or will get the problem taken care of. No award from your FIBR customers in Cagayan de Oro,” patama naman ni @titojohnq.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?