15

Jun 11, 2021 @ 15:36
By

MVP na si lodi! Fajardo binida autograph ni Jokic

Abot tenga ang ngiti ni Junemar Fajardo nang makasama ang kanyang idol na ngayo’y NBA MVP na — si Nikola Jokic.

Dating nagkaharap ang dalawa sa 2019 Fiba World Cup nang kalabanin ng Gilas Pilipinas ang Serbia, at hindi pinalampas ng six-time PBA MVP na makalapit sa Denver Nuggets star.

Sa Facebook post ni Junemar, pinakita niya ang larawan kasama si Jokic, pati na rin si Dallas Mavericks center Boban Marjanovic.

Bukod pa rito, nakakuha rin ng autograph si Fajardo mula kay Jokic para sa kanyang customized KD 12.

“Had this pair of shoes customized just to wear against you in the PH-Serbia FIBA game. Thank you for signing them! Appreciate it,” sey ni Junemar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?