976

Nov 9, 2017 @ 16:09
By

MVP ipokrito sa gulo sa PBA – Menk

Ilang araw matapos humupa ang isyu ng pagpapatalsik kay commissioner Chito Narvasa, umeksena si dating PBA player Eric Menk.

Ayon kay Menk, pinagdiskitahan daw ni Manny V. Pangilinan ang puwesto ni Narvasa dahil hinayaan ng kanyang tatlong governors na maaprubahan ang trade na nagdala kay Christian Standhardinger sa San Miguel Beer.

Binigay ng Kia ang rights sa No. 1 pick ng draft ngayong taon sa SMB, at ginamit ng Beermen para makuha ang Fil-German.

Ang tatlong teams ni MVP sa PBA at kani-kanilang governors: TNT (Pato Gregorio), Meralco (Al Panlilio) at NLEX (Ramoncito Fernandez).

Huwebes ay nagkasundo ang 12 miyembro ng PBA Board na susuportahan anuman ang desisyon ni Narvasa. Pagkatapos aprubahan ni Narvasa ang trade kinabukasan o dalawang araw bago ang ang Oct. 29 draft, nag-iba na daw ang timpla ni MVP, ayon kay Menk.

Nainis daw ang MVP group dahil hindi napunta sa kanila si Standhardinger, nabingwit pa ng SMB ng karibal na grupong San Miguel Corp.

“They had the inside track to get Standhardinger. Why? Because he plays for Gilas. Guess who backs Gilas? Guess who’s got management … coaches on Gilas who are part of the MVP group?” ani Menk.

Ilang araw pa ang nakalipas, gumawa ng resolusyon ang tatlong MVP teams kasama ng Alaska, Blackwater, Rain or Shine at Phoenix para masipa si Narvasa.

Punto ng binansagang Major Pain noong kalakasan sa PBA, mula 2005 ay may ilang kuwestiyonableng draft deals na kinasangkutan ang TNT.

“The TNT group, let’s be eal, I think they’re a bit being hypocritical here,” lahad ni Menk. “They’ve done some thibgs on draft day or following the draft that is a little bit suspicious. They’ve contributed to the debacle of the PBA over the last 12 PBA drafts.”(Vladi Eduarte)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?