67

By

MVP, Guiao, mga taga-SBP umayaw sa Asian Games, naduwag!

Kulang sa tao, kulang sa preparasyon, kaya sa bandang huli ay umatras ang Samahang Basketbol ng Pilipinas sa pagpapadala ng team sa Asian Games sa Indonesia sa susunod na buwan.

Aprubado na ng PBA Board na core ng Rain or Shine ang magdadala sa bandera ng Pilipinas, si Yeng Guiao ang coach.

Bigla ay kumambyo ang SBP, kinatwiran na hindi raw mainam na magpadala ng team. Sa halip, pagtutuunan na muna ng pansin ang apela sa FIBA Disciplinary Panel hinggil sa desisyon na pagsuspinde sa 10 Gilas players na sangkot sa riot sa home game kontra Australia sa 2019 FIBA World Cup Asian Qualifiers noong July 2.

Bukod sa Elasto Painters core, may ibang players na gustong kunin ni Guiao para isama sa bubuuin niyang National team. Pero mukhang hindi pupuwede ang mga ito.

Sapul ng Asian Games ang season-ending Governors Cup ng PBA. At sa Aug. 18-Sept. 2 schedule ng Asiad, katatapos lang halos ng Finals ng Commissioner’s Cup sa pagitan ng San Miguel at Ginebra.

“It’s hard to go there without knowing the objective of the team. Are we trying to go there for participation or are we serious contenders? I told them (SBP) if this is our lineup, we might not be serious contenders,” pahayag ni Guiao, ayon sa ulat ng ESPN5.

Katwiran ni Guiao, kung makakakuha ng key players ay mas lalaban ang Pilipinas sa Indonesia. Pero dahil wala, tanggapin na mas mababa ang expectations – kumpetisyon na lang, hindi medalya.

Gabi ng Huwebes, nag-meeting raw sina SBP chairman emeritus Manny V. Pangilinan, SBP president Al Panlilio, executive director Sonny Barrios, Philippine Olympic Committee president Ricky Vargas, Gilas coach Chot Reyes at Rain or Shine coach Caloy Garcia. Nagkaroon ng consensus na huwag nang magpadala ng team sa Asiad, pagtuunan na lang ng atensiyon ang apela sa suspension ng FIBA at ang susunod na window ng World Cup Qualifying.

“It’s okay with me because why would we go there if we’re not ready? Are we just going to allow ourselves to get beaten? As a coach, I also want to win and I also want to bring pride to our country but the opposite might happen if you’re not prepared,” dagdag ni Guiao, ayon pa rin sa ulat ng ESPN5. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?