44

MVP, binigyan ng P1-M si Jerwin Ancajas

Sharing is caring!

Tinupad ni Manny V. Pangilinan ang kanyang pangako na bibigyan si reigning International Boxing Federation (IBF) super-flyweight champion Jerwin Ancajas ng P1 million check nitong Martes.

Ang tulong pinansiyal ay pinangako ni Pangilinan sa 26-anyos na boksingero nang magharap sila sa Philippine Sportswriters Association (PSA) Annual Awards Night sa Manila Hotel, dalawang linggo na ang nakakaraan.

Binigyan si Ancajas ng Athlete of the Year honor, habang pinarangalan ng President’s Award si Pangilinan sa naturang awards night.

Ani Ancajas, gagamitin ng kanyang team ang pera para sa pagsasaayos ng training camp sa Magallanes, Cavite.

Kasalukuyang nag-eensayo si Ancajas para sa nakatakdang pagdepensa niya sa kanyang IBF crown laban sa kapwa Pinoy na si Jonas Sultan sa Abril 14 sa Mandalay Bay Hotel sa Las Vegas.

Undercard ito ng Jeff Horn-Terrence Crawford World Boxing Organization (WBO) welterweight title match.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?