46

Jan 10, 2020 @ 14:36
By

MV ng BTS higit 900M views na!

Ang BTS, sa kanilang 2017 music video ng kantang “DNA,” ang pinakaunang K-pop boy group na umani ng higit 900 milyong views!

Ito rin ang unang music video ng grupo na nagkamit ngayong alas-8:13 ng umaga nitong Enero 10 ng ganitong dami ng panonood.


Pinagdiwang ito ng mga fan sa viral hashtag “#DNA900M.”


Dahil dito, kahilera na nila ang South Korean singer na si PSY sa kantang “Gangnam Style,” at K-pop girl group na BLACKPINK sa kantang “DDU-DU DDU-DU.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?