By

Muslim kulong sa pagmumura sa 2 bagitong pulis

Sharing is caring!

Kulungan ang bagsak ng isang 37-anyos na Muslim matapos na bastusin, pagmumurahin at takasan ang dalawang bagitong pulis na aaresto sana sa kanya dahil sa pagmamaneho ng motorsiklo na walang lisensya sa ikinasang anti-criminality operations, noong Lunes ng hapon sa Marikina City.

Sa report na nakalap mula sa tanggapan ni Eastern Police District Director Reynaldo Biay, nakilala ang suspek na si Hadji Juatas y Guarino, residente ng 175 Ipil St., Barangay Marikina Heights, Marikina City na agad na sinampahan ng kasong unjust vexation at disobedience and resisting arrest to the agent of person in authority dahil ginawa nito sa dalawang bagitong pulis.

Batay sa report, nagsagawa ng anti-criminality operations ang mga tauhan ng PCP 9 ng Marikina police bandang 4:30 kamakalawa ng hapon sa kahabaan ng Champaca St. corner Tanguile St., sakop ng Barangay Marikina Heights na kung saan ay pinara at pinahinto nina PO1 Jeffrey San Andres at P01 Ariel Dela Cuesta ang motorsiklo na minamaneho ng suspek.

Dahil sila ang nakatoka sa pagsisiyasat, hiningan ng lisensya at rehistro ng motorisklo ang suspek upang malaman kung legal umano ang kanyang pagmamaneho subalit walang maipakitang dokumento ang suspek at umanoy galit pa nang harangin ng dalawang pulis.

Magi-isyu na sana ng violation receipt si PO1 San Andres nang biglang humarurot ng takbo ang suspek sakay ng motorsiklo at sabay na pinagmumura ang dalawang pulis.

Agad na hinabol ng dalawa ang suspek hanggang sa ma-trap na ito at nagawa pang manlaban ng suspek kahit na nahuli na ito.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa Marikina detention cell habang hinihintay ang pagdinig ng kanyang kaso.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?