234

By

Musical variety show ng GMA kasado na

Good news para sa Kapuso viewers! Ang balita namin, isang bagong show ang niluluto ng GMA7 na siguradong magbibigay-saya sa mga Kapuso viewers tuwing Linggo ng gabi.

Ito ang ‘Studio 7’, isang musical variety show na magtatampok ng ilan sa mga performing artist ng GMA ngayon. Sino-sino kaya ang makakasama sa show na ito?

Iba’t ibang segments din daw ang siguradong tututukan ng fans dahil balita pa namin, interactive ang mga ito.

Paano kaya makaka-join ang audience rito? ‘Yan ang dapat abangan ng viewers sa nalalapit na pagbubukas ng Studio 7 ngayong Oktubre sa GMA! ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?