156
paris-museum

Museum sa Paris, bukas na para sa mga mahilig maghubad

Sharing is caring!

Mahigit 150 naturists o iyong mga ‘trip’ na nakahubad dahil sa paniniwalang hindi dapat nagsusuot ng damit ang mga tao, ang pinayagang makapasok sa isang Paris museum noong Mayo 5.

Binuksan ng Palais de Tokyo Contemporary Art Museum ang pintuan nito para sa nudist visitors para sa isang araw na nudist exhibition.

Naging sold out naman agad ang event sa loob lang ng wala pang dalawang araw sa pagbisita na ito ng mga naturist sa exhibition.

Nagsimula ang museum sa Paris, pero naging sikat na ang nudists’ events sa museums.

Ayon sa ulat, mayroon na umanong 2.6 milyong nudists ang naninirahan sa France.

Samantala, nito lang din nang buksan ng isang museum sa Australia ang kanilang pinto para sa mga hubad na bisita.

Sa France naman ay plano na ring magbukas ng nudist clubbing night ngayong taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?