31

Dec 29, 2019 @ 15:35
By

Murray miron lang sa Australian Open

Hindi makakalahok sa Australian Open sa Enero at sa inaugural ATP Cup team event si tennis superstar Andy Murray dahil sa iniindang pelvic injury.

Natamo ng 32-year-old netter ang kanyang injury noong nakaraang buwan sa Davis Cup.

“I’ve worked so hard to get myself into a situation where I can play at the top level and I’m gutted I’m not going to be able to play in Australia in January,” pahayag ni Murray nitong Linggo (Manila time).

“After the AO (Australian Open) this year, when I wasn’t sure whether I’d be able to play again, I was excited about coming back to Australia and giving my best, and that makes this even more disappointing for me. Unfortunately I’ve had a setback recently and as a precaution, need to work through that before I get back on court competing.”

Matatandaang nagkaroon rin si Murray ng hip operation noong Enero at hangad na makabalik sa Grand Slam tournament ng Australian Open.

Gaganapin ang Australian Open January 20 hanggang February 2 habang magbubukas naman ang ATP Cup sa Enero 3.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?