25
Murray isa nang Knight sa Buckingham Palace
By

Murray isa nang Knight sa Buckingham Palace

Opisyal nang iginawad kay former World No. 1 at tennis superstar Andy Murray ang titulong Knight sa pangunguna ni Prince Charles sa Buckingham Palace nitong Biyernes (Manila time).

Matatandaan na unang inanunsyo ang parangal noong Disyembre 2016 kung saan nilabas ang listahan ang New Year’s Honours ni Queen Elizabeth II.

Ang recognition ay ibinigay kay Murray dahil sa kanyang serbisyo sa larong tennis at kawanggawa kung saan ay pinarangalan din ito ng Officer of the Most Excellent Order of the British Empire (OBE) medal mula kay HRH Prince William, Duke of Cambridge noong Oktubre 2013.

“I’m very proud to receive it. It’s a nice day to spend with my family; my wife and parents are here,” pahayag ni Murray.

“I’d have liked to [have brought] my kids but I think they’re a bit young. I’ll show them the medal when I get home.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?