32
jam-murray
Apr 6, 2018 @ 14:46
By

Murray, inakay ang Denver kontra Wolves

Puwede nang gamitin si Minnesota Timberwolves All-Star shooting guard Jimmy Butler pero hindi siya pinaglaro sa importanteng laban kontra Denver.

Labing-anim na laro siyang lumiban dahil sa injury sa kanang tuhod.

Sa pag-upo ni Butler sa bench, nahawakan ng Nuggets ang 100-96 panalo, para tumabla sa Minnesota sa ika-walong playoff spot at may natitira na lang na tatlong laro.

Umiskor si Jamal Murray ng 22 points para manguna sa anim na players ng Denver na may dobleng pigura.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?