71
DOJ: Naaresto ng NBI, hindi uploader ng mga ‘Bikoy’ video
Sep 20, 2019 @ 13:46

Murderer Rolito Go ‘di na dapat huntingin – DOJ

Para kay Justice Secretary Menardo Guevarra, hindi na dapat pang hanapin ng mga awtoridad ang napalayang convicted murderer na si Rolito Go.

Ayon kay Guevarra, hindi nakalaya si Go dahil sa good conduct time allowance (GCTA) law, bagkus ay napakawalan ito dahil natapos na ang kanyang sentensya.

“Yes. Because he is not supposed to be one of those convicted of heinous crimes who were prematurely released on account of GCTA,” paliwanag ni Guevarra sa panayam sa ANC.

Ito’y matapos ang napaulat na hinahanap ng Philippine National Police (PNP) si Go para muling maaresto ang na-convict sa pagpatay kay Eldon Maguan, isang engineering student ng De La Salle University, noong 1991.

Na-convict si Go noong 1993 kaugnay ng nasabing road rage incident, at sinentensyahan ng 40-taon sa bilibid.

“You know if I recall correctly, he was freed because of commutation of sentence. I don’t think it’s because of good conduct time allowance alone,” ayon sa Justice Secretary.

“My recollection is that his sentence was commuted and he had served it in full that’s why he’s already out. And he should not be included here (list) anymore.”

Kasama ang pangalan ni Go sa mga napalaya ng GCTA, ngunit ayon kay Guevarra ay noong 2012 pa dapat napalaya si Go, isang taon bago maipasa ang bagong batas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?